MAY nakapagchika sa aming hiwalay na si James Yap sa dyowa niyang si Michela Cazola.
With that, napa-search kami sa Instagram to see kung may bahid ito ng katotohanan.
Mukha nga. Walang masyadong post si James kasama ang dyowa niya at mga anak. Bilang na bilang sa daliri ang photo niya kasama ang kanyang pamilya.
Ang most recent photo niya kasama ang kanyang dalawang anak at si Michela ay Jan. 19 pa.
Ang pinakamalapit nito ay Dec. 26, 2019 kung saan naka-pose sila sa isang hotel lobby. This means nag-Christmas pa silang pamilya.
Ang kasunod nito ay Oct. 17 na birthday ni Michela. Magkatugmang-magkatugma ang mga post ni James sa photos ni Michela.
Maraming posts na photo si James noong New Year. Apparently, sa US siya nag-Bagong Taon at hindi niya kasama ang kanyang pamilya.
Last Jan. 2, ipinost ni James ang New Year celebration na pinuntahan niya sa Times Square sa New York. Parang mag-isa lang siyang nag-celebrate ng Bagong Taon.
Why did they split? Isa ba sa kanila felt out of love? Nawala na ba ang kilig sa kanilang pagmamahalan?