Pinoy celebs napa-wow sa kaseksihan ni Tetay: Ang fresh!                

NAPA-WOW ang madlang pipol, kabilang na ang mga kapwa celebrities ni Kris Aquino nang makita ang kanyang latest photo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng litrato ang TV host-actress na nakasuot ng white, body-hugging na damit kung saan kapansin-pansin ang maganda niyang figure.

 Hindi na siya katulad ng dati na sobrang payat at mukha talagang may sakit. 

Ang nasabing photo ay kuha sa recent pictorial ni Kris sa Cornerstone Studio with photograper Mark Nicdao para sa isa niyang endorsement.

Bahagi ng caption ni Kris, “Hindi ko alam kung gusto kong mapa-happy ni Bimb because malapit na kong mag birthday (I usually show him pics before I post because my bunso is conservative).” 

Magse-celebrate ng kanyang 48th birthday ang mommy nina Joshua at Bimby sa Feb. 14.

Pagpapatuloy pa ni Tetay, “He (Bimby) told me, ‘Mama, even men will find you breathtaking. (Clarification: we’re very aware my solid followers are women & the LGBT community–and of course I’m super grateful, so Bimb knew that what he said was a compliment).”

Comment ng Crazy Rich Asians author na si Kevin Kwan, “Gorgeous!!!!!!!!!!!” 

Sey naman ni Angel Locsin, “Pretty naman ate!”

Ilan pa sa mga pumuri sa slimmer figure ni Kris ay sina Darla Sauler, Angeline Quinto, Mariel Padilla, Neri Naig, Tony Labrusca at marami pang iba.

Read more...