Sikat na aktor sobrang kuripot kaya yumaman nang bonggang-bongga          

 

BAKIT kaya SK ang tawag ng kanyang mga kapwa artista at katrabaho sa isang pamosong male personality? 

Hindi na siya bagets para maging tagapamuno ng isang grupo ng mga kabataan, lampas-lampasan na ang kanyang edad, pero bakit SK ang tawag sa kanya?

    Maraming kuwento sa bansag sa kanya, iba-ibang kuwentong nagpapatunay kung gaano kahigpit ang kanyang mga kamao sa paglalabas ng pera, kaya ang ibig palang sabihin ng SK ay Super-Kuripot.

    Kuwento ng isang source, “Naku, grabe ang taong ‘yun! Mayamang-mayaman na siya, pero parang ayaw niyang mabawasan ang laman ng bulsa niya!

    “Pero magaling siyang mangantiyaw, ha? Kunwari, may award na natanggap ang isang kasamahan niya sa serye, naku, agad na siyang nakakantiyaw! Sasabihin niya, ‘Magpa-pizza ka naman d’yan!’

    “E, magkano lang ba naman ang talent fee ng kinakantiyawan niya, barya-barya lang! Pero magbo-blowout naman ang inuudyukan niyang magpa-pizza.

    “Pero siya, patung-patong na ang tinatanggap niyang award, pero never pa siyang nagpa-pizza! Hindi siya magpapabili ng kahit ano para mapagsaluhan nila sa set!

    “Bingi siya sa mga kantiyawan, wala siyang naririnig, talagang pinaninindigan ng male personality na ‘yun ang pagiging SK!” napakadiing kuwento ng chikadora naming impormante.

    Pero nakikita naman ng lahat ang nagiging bunga ng kanyang kakuriputan, marami na siyang nabibiling malalaking properties, mansiyon na rin ang kanyang bahay sa isang pangyayamaning subdivision.

    Balik-kuwento ng aming source, “Bakit nga hindi siya magkakaroon ng mansiyon, e, pati nga ang sarili niya, tinitipid niya? Hindi siya tulad ng ibang sikat na artista na nagbabaon ng sariling food!

    “Kinakain nila ang gusto nila, may baon na, magpapabili pa rin sila ng mga gusto nilang kainin! Pero itong si SK, kung ano ang food ng buong production, e, ‘yun din ang lafang niya!

    “Hindi siya gumagastos para sa pambili ng food, kesehodang tinatakam na siya! Basta, ang pagkain ng catering ang kakainin niya, tiis-tiis ganda lang si SK!

    “Ganu’n siya kakuring! Kahit ano, walang mapapala sa kanya ang mga katrabaho niya sa seryeng napakatagal na, pero nand’yan pa rin!

    “Ganu’n yata talaga ang nakaranas nang matinding hirap, ayaw nang mabawasan ang laman ng bangko at bulsa niya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

    Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino si SK!

Read more...