May pagtataray na nakiusap si Vice Ganda sa mga taong nakikialam sa paghihiwalay nina Nikki Gil at Billy Crawford. Inamin ng gay comedian na lahat sila sa Showtime ay apektado sa nangyayari sa personal life ng kanilang kaibigan.
Sa interview kay Vice ng Cinema News sinabi nitong tumigil na raw sana ang mga taong puro kanegahan ang sinasabi tungkol kay Billy, “Nasasaktan kami kasi yung mga taong malalapit sa amin, sobrang nasasaktan na.
Si Billy, si Nikki for sure is hurting as well. Si Coleen (Garcia), nasasaktan din. “Nakakabastos naman yung mga tao at saka hindi naman nila alam ang mga nangyayari, kung kaya kung hindi nila alam, huwag na lang magsalita.”
Dagdag pa ni Vice, “Kung anuman ang nasabi ni Billy, ibigay ninyo na lang sa kanya yun. Yun lang ang gusto niyang i-share. Kung ano ang mga hindi niya gustong i-share, ibigay natin sa kanya.
Lahat naman tayo may reservations sa katawan natin, irespeto natin ang bawat isa. “Lahat naman ng tao nasasaktan at hindi lahat ng detalye sa nararamdaman mo ay gusto mong ipangalandakan sa buong mundo.
Bugbog na yung tao, pagod na pagod na yung puso at utak, kawawa na, pagpahingahin ninyo. At hirit pa ng TV host-comedian sa nasabing interview, “Kung hindi n’yo rin naman kamag-anak sina Nikki at Billy, huwag ninyong pakialamanan. Huwag pakialamera, hindi nakakayaman, hindi kayo uunlad!”
( Photo credit to Google )