No-work, no-pay, kaya ayaw umuwi

NANG mapabalita na mayroong novel coronavirus o nCoV sa Wuhan, China, hati ang naging desisyon ng mga kababayan natin doon.
May mga kababayan tayong kaagad nagpahiwatig na gusto na nilang umuwi. Kaya naman bilang tugon ng pamahalaan, pauuwiin sila, ngunit kinakailangang sumailalim sila sa quarantine o incubation period sa loob ng 14 na araw.
Sa mga panahong ito, may mga kababayan na tayong nakabalik na ng Pilipinas.
Ayon kay Dr. Ernie Baello, sa loob ng 14 days kasi ay kailangang nakahiwalay sila sa mga tao, walang contact at hindi puwedeng ma-expose.
Ang ibang mga bansa naman, agad nagpadala ng chartered flight sa China upang kunin at iuwi ang kanilang mga mamamayan.
Sa kaso ng mga Pinoy doon, nagdesisyon ang marami nating kababayan na huwag na lang umuwi dahil kailangan umano nila ng pera. Kung uuwi sila, tiyak na tiyak na, wala silang susuwelduhin at tiyak rin, na wala rin silang maipadadalang pera sa pamilya.
Ayon pa sa ating kabayan, no-work, no-pay kasi ang polisiyang ipinatutupad sa China.
Sa mga ganitong panahon, na walang makapagsasabing kontrolado nila ang sitwasyon, makabubuti pa ngang maging praktikal at maging maingat na lamang habang nasa ibayong dagat.
Pero pahabol, kung buhay at kamatayan naman ang nakataya, siyempre naman, walang katumbas ang buhay! Kaya pipiliin nilang mabuhay!
***
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com

Read more...