Kilalang celeb papansin sa press, pero walang nag-interview

 

Sa isang showbiz gathering kung saan may members ng media na imbitado ay panay ang ikot ng isang personalidad at tila nagpapapansin para ma-interview.

Nu’ng una ay dedma kami dahil simula nu’ng nag-showbiz siya ay hindi pa namin siya nakakausap ng solo kahit nakailang presscon na siya.

Panay ang nguso sa amin ng isang katoto na kausapin namin ang personalidad pero panay din ang iling namin.

Hanggang sa nalimutan na namin siya dahil may iba na kaming in-interview.

Ang nakakatawa, nakaupo pala ang personalidad sa kabilang lamesa at nakatingin sa aming grupo ay parang inaalam kung tapos na kaming mag-interbyu. Panay din ang ngiti niya sa mga reporter.

Nagkatinginan ang ibang katoto at ngumiti rin sabay paalam sa kanya.

Parang napahiya pa ang personalidad at kunwari’y nagbisi-bisihan sa kanyang cellphone.

Read more...