Recruiter ni Mary Jane Veloso napatunayang guilty ng Nueva Ecija court

NAPATUNAYANG guilty ng isang korte sa Nueva Ecija ang mga recruiter ng death row convict na si Mary Jane Veloso to Indonesia, ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) President Edre Olalia.

Habambuhay na pagkabilanggo ang hatol ni Presiding Judge Anarica Castillo-Reyes ng Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 88 kina Ma. Cristina Sergio, alyas Mary Christine Guilles Pasadilla at Julius Lacanilao dahil sa paglabag sa Republic Act 8042 o Migrant Workers Act at pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Base ito sa kasong inihain nina Lorna Valino, Ana Maria Gonzales at Jenalyn Paraiso.

Hiwalay ang reklamong ni Veloso na nakabinbin pa rin sa Nueva Ecija RTC.

Kumatawan ang mga abogado ng NUPL kay Veloso sa nangyaring promulgasyon.

“We are of course glad that justice has been served even if only partially and initially with respect to Mary Jane’s fellow victims. We look forward to the full achievement of justice when the other case of Mary Jane is resolved and she herself is ultimately and finally sent home free in time,” sabi ni Olalia.

“We all owe it to millions of our fellow citizens who meet misfortune at the hands of unscrupulous people who took advantage of their vulnerabilities,” dagdag ni Olalia.

Matatandaang naaresto si Vekisi noong 2010 matapos magpuslit ng isang malete na may lamang 2.2 kilo ng heroin sa Yogyakarta airport.

Nasentensiyahan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad noong 2015.

Read more...