Horoscope, January 31, 2020 | Bandera

Horoscope, January 31, 2020

Madam Sophia |January 31,2020
facebook
share this

Horoscope, January 31, 2020

Madam Sophia - January 31, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming sopresa at magagandang pangyayaring darating sa taong ito ng 2020. Sa pinansiyal, bigla ang dating ng malaking halaga ng salapi. Sa lovelife, ang kalungkutan ay mapapalitan ng sobrang saya sa pagdating ng kasuyong matagal ng hinihintay. Markahan ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Mahirap mawalan ng pera, kaya sa sandaling gumanda ang income, matutong mag-savings. Sa lovelife, susuwertehin ka sa pakikipag-relasyon sa isang nilalang na galing sa ibayong dagat. Markahan ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Parating na ang suwerte, kaya mas okey kung iiwasang sumimangot! Kung laging nakangiti, ngingiti rin ang magandang kapalaran. Sa lovelife, may isang naka-red ang palihim na humahanga sa iyo. Markahan ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Red at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Nararamdaman mo bang pabago-bago ang panahon, minsan ay malamig at minsan naman ay mainit. Indikasyon na pabago-bago din ang iyong magiging kapalaran, ngunit kung maipipirmis mo ang iyong isipan sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapalago ng income, magtatagumpay ka sa taong ito ng 2020, magsisimula ng madoble ng madoble ang iyong income. Markahan ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Blue at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa lovelife, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya sa iyo. Markahan ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Maroon at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Panatiliin ang pagsusuot ng kaakit akit na damit. Sa lovelife, higit na nakakikilig ang susunod na pagniniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ng hindi inasahan ang isang dating may utang. Markahan ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Yellow at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa araw na ito may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak. Sa lovelife, mamayang gabi, habang nilalamig may masarap na romansang mararanasan. Kinabukasan, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Markahan ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Sa taong ito ng 2020 mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa lovelife, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang bilugan ang dahon upang kapwa kayo suwertehin. Markahan ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Sa taong ito ng 2020 baguhin ang style ng buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at sa pinansyal. Kung carry mo, mag-lagay na rin ng kapirasong tattoo sa dibdib na maliit na aguila kaya’y kahit anong uri ng ibon na lumilipad. Markahan ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Magenta at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihinaty. Higit kang uunlad sa pangingibang bansa. Sa lovelife, kung ikaw ay isang babae siguradong may sasakyan ang iyong mapapangasawa. Markahan ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Lilac at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Lumayo sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa lovelife, habang naghahanap-buhay sa malayong lugar mami-meet mo na ang iyong true love. Markahan ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Beige at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Sa lovelife, mas mabuting makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag ng isipin pa ang nakaraan. Sa pinansyal, sumosyo sa kaibigang Gemini o kaya’y Libra. Markahan ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha at matataba ang kadalasang yumayaman. Sa lovelife, patuloy ang manakanakang hindi pagkakaunawaan, wag mo na lang pansinin ang negatibo at palakontrang kasuyo. Markahan ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending