TANGING ang ex-lovers na sina Nadine Lustre at James Reid ang walang standees sa ginanap na Viva Films Vision 2020 last Tuesday sa Novotel, Cubao, Quezon City.
Ibinandera ng Viva Films ang mga naka-line up nilang projects this year at kapansin-pansin na wala ngang nakatakdang gawing pelikula ngayong 2020 ang controversial loveteam.
This year, 34 films ang balak i-produce ng Viva Films – may mga originals at may mga adaptations or remakes din.
Take note, hindi lang ang contract artists ng Viva gaya nina Anne Curtis, Bela Padilla, Ryza Cenon, Xian Lim, Marco Gumabao at iba pa ang may project dahil ang non-Viva stars gaya nina Dingdong Dantes, Aga Muhlach, John Arcilla at iba pa ay may mga gagawin ding pelikula, huh!
Tinanong namin si Boss Vic del Rosario kung bakit tila walang bagong pelikula si Nadine ngayong 2020. Unlike last year na nagsunud-sunod ang movies ng aktres.
Bago ang nasabing Viva event, lumabas ang balitang kumalas na ang ex-girlfriend ni James sa Viva Artists Agency na siyang namamahala sa career nito simula pa noong 2009.
“Meron pang six to seven movies na gagawin sa Viva si Nadine. Tumanggi siya sa offer namin last year na gawin ang ‘Miracle in Cell No. 7’ na isinali namin sa MMFF.
“Kami naman, kung ayaw gawin ng isang artista ang movie, hindi namin pinipilit. Ready naman kaming gawin ‘yon,” saad ni Boss Vic.
Anyway, sa 34 films na gagawin this year ng Viva, may investment silang P1 billion, huh!
With or without Nadine, tuloy pa rin ang pagmamahal ng Viva sa local film industry para na rin makapagbigay ng entertainment at trabaho sa movie workers.