Hirit ni Mikael kay Tom: Bilisan mo, bro! Naunahan na kita!

CARLA ABELLANA AT TOM RODRIGUEZ

SI Carla Abellana ang magpo-propose sa kanyang longtime boyfriend na si Tom Rodriguez!

Yan ang tawa nang tawang biro ni Tom nang tanungin kung may plano na rin ba silang magpakasal ni Carla tulad ng co-star nila sa bagong Kapuso primetime series na Love Of My Life na si Mikael Daez.

Ikinagulat nga ng fans ang balita na tapos na pala ang kanilang intimate wedding na ginanap sa isang simbahan sa Subic at dinaluhan ng kanilang respective families at ilang malalapit na kaibigan.

Sa ginanap na mediacon ng Love Of My Life kamakalawa, hiningan ng reaction sina Carla at Tom sa Mikael-Megan wedding.

Sey ni Tom, “Sila ‘yung peg ko ever since nakita ko ‘yung love story nila nasa kabila pa lang kami. “So sabi ko sa kanya kanina, ‘Congratulations at thank you dahil ‘di mo ako binigo.’

Kaya peg ko talaga sila,” dagdag ng Kapuso hunk. Okay lang din kay Carla na ipaalam sa publiko ang detalye ng kanilang wedding basta ang mahalaga ay maging intimate at solemn ito kasama ang kani-kanilang pamilya at mga close friends.

Singit ni Tom, hiningi nga raw niya kay Mikael ang wedding suppliers nila ni Megan at nagbirong si Carla raw ang magpo-propose sa kanya kaya naghahanap na ito ng singsing na ibibigay sa kanya.

Ibinuking naman ni Mikael na nanghihingi na rin sa kanya si Tom ng advice about some personal matters, “Sabi ko kay Tom, ‘Bilisan mo na, bro! ‘Di ba? Naunahan na kita!’

“Tom and I, we’re good, we get along so well. We’ve talked about it. Right now, it is the first time we saw each other since I got married.

He’s asking me a lot of questions, ang dami kong kuwento sa kanya, later we’ll talk again. “Carla and Tom are amazing. They’re such an amazing couple and they will do things in their own time and I know they will do it when they feel it as well,” chika pa ni Tom. Mapapanood na ang Love Of My Life simula Feb. 3 sa GMA Telebabad after The Gift.

Ito ang papalit sa magtatapos nang One Of The Baes nina Rita Daniela at Ken Chan. Kasama rin dito sina Rhian Ramos, Coney Reyes, Samantha Lopez, Mae Bautista Vaness del Moral, Geleen Eugenio at marami pang iba, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Read more...