KIM galit pa rin, pati mga kaibigan ni MAJA dinededma


HINDI pala madaling maka-move on itong si Kim Chiu. Ang chika, matagal palang magalit ang young actress, as in nagkikimkim pala ito ng galit sa kanyang puso.

Hindi n’yo ba napapansin, it has already been more than three years na wala na sila ni Gerald Anderson but she can’t seem to move on from her failed relationship with the hunk actor?

Until now ay meron pa siyang matinding galit kay Gerald. Now that Gerald is into a relationship with Maja Salvador, ang dalaga naman ang kanyang napagbalingan.

While it was obvious that Maja is extending a reconciliatory hand at ilang beses na siyang nagpasabi na willing siyang makipag-ayos sa kanyang former bestfriend ay wala pa ring positive response si Kim.

Obviously, she’s still harboring ill feelings. Ang siste, kapag nagalit pala si Kim sa isang tao ay nadadamay pati ang mga close friends ng taong kagalit niya.

Kim, reportedly snubs people who are close to Maja. Ganoon siya magalit. Wala siyang pakialam kung pati ang mga close kay Maja ay magdamdam.

Well, ang maganda lang, Kim is not a plastic person. Talagang ipinakikita niya ang galit niya. We understand her. Meron talagang mga taong nagkikimkim ng galit lalo pa’t masyadong close sa iyo ang taong umagrabyado sa ‘yo.

We don’t know if this would help but Kim should learn to move on.

( Photo credit to Google )

Read more...