2 patay sa salpukan ng motor

DALAWANG tao ang nasawi nang magsalpukan ang mga sinakyan nilang motorsiklo sa Ibaan, Batangas, Martes ng gabi.

Kapwa dead on arrival sa ospital sina Anastacio Bayeta at Elbert Caraig, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng National Road na sakop Brgy. Pangao, at naiulat sa lokal na pulisya alas-11:30.

Minamaneho ni Bayeta ang kanyang motor patungong Brgy. Matala, nang masalpok ang kasalubong na motor ni Caraig, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na bago ang salpukan ay inunahan ni Bayeta ang isang itim na kotse.

Dinala siya at si Caraig sa Queen Mary Hospital, pero kapwa di na umabot nang buhay, ayon sa pulisya.

READ NEXT
Gone too soon
Read more...