P153M jackpot hindi nasungkit

WALANG tumama sa P153.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Hindi nakuha ang winning number combination na 26 -51 -36 -37 -41 -57 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanalo naman ng tig-P147,750 ang walong mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P3,800 naman ang 225 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 6,161 mananaya na nakatatlong numero.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...