Chinese na binabantayan dahil sa novel coronavirus namatay sa San Lazaro Hospital

NASAWI ang isang 29-anyos na Chinese national na inoobserbahan sa novel coronavirus habang ginagamot sa San Lazaro Hospital sa Maynila, inihayag ng isang opisyal ng ospital ngayong araw.

Sa isang press briefing, sinabi ni San Lazaro Hospital director Dr. Edmundo Lopez na namatay ang biktima na mula sa Yunnan, China, dahil sa pneumonia.

Idinagdag ni Lopez na ipinadala na ang mga sample mula sa biktimang Tsinoy sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa para sa inisyal na pagsusuri para sa pinaghihinalaang novel coronavirus.

“Specimens have been taken. May test na natira ang RITM (There are still tests in RITM) for detection of coronavirus,” sabi ni Lopez.

Ani Lopez may iba’t ibang sintomas ang pasyenteng Chinese, kabilang na ang enlarged lymph nodes.

Read more...