LALONG dumarami ang problema ng ating mga OFW. At lalo pa ngang lumalala ang mga situwasyon ngayon.
Nariyan ang samu’t saring mga kaguluhan tulad ng napipintong digmaan ng mga bansa at ilan pang mga kalamidad tulad matitinding mga bagyo pati na winter storm, pagbaha at paglaganap ng matinding sakit na corona virus.
Total deployment ban ang ipinatutupad naman sa Kuwait. Gulong-gulo na rin ang ating mga OFW. Nag-aalala naman ang kanilang mga kapamilya kung ano ang mangyayari na sa kanila lalo pa’t inaasahan nila ang mga kinikita ng OFW sa abroad.
Sa ganitong mga kalagayan, tanging ang pagiging handa ng puso’t isipan ng bawat isa ang siyang kinakailangan.
Maging handa ang OFW anuman ang mangyari sa bansang pinagtatrabahuhan. Handa rin ang mga kaanak anuman din ang mangyari sa kanilang kaanak na OFW.
Bahagi ng paghahanda ang pag-iipon ng pera na magagamit ng pamilya sa panahon na napauwi ng biglaan ang OFW.
Sabi nga ni Joyce Delovieres, segment host ng Pera Eskwela ng Bantay OCW, kinakailangang may nakatabing emergency fund ang OFW na katumbas na halaga ng anim (6) na buwan na sinasahod sa abroad.
Huwag gamit nang gamit ng credit cards. Hindi kailangang mabaon sa utang habang nasa ibayong dagat. Mas mahirap maghanap ng pambayad kung wala nang kinikita.
Ganun din ang mga kapamilya. Magtipid! Magtipid! Magtipid! Tigilan na ang mga walang kabuluhang paggastos.
Sa halip, ihanda ang inyong mga Go Bag dahil iyan na lamang ang tangi ninyong madadala sa panahon ng inyong paglikas na nagliligtas-buhay.
Parehong gagawin ito ng ating mga OFW at ng kanilang mga kapamilya.
***
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com
Pasimplehin na ang pamumuhay
READ NEXT
SSS lump sum
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...