MMK tinalo sa TV rating ng #MPK ni Jak Roberto

JAK ROBERTO

Bumenta sa manonood ang first gay role ni Jak Roberto via “Fishergays” episode ng Magpakailanman last Saturday.

Sa totoo lang, pinadapa ng #MPK sa ratings game ang katapat nitong Maalaala Mo Kaya, huh!

Base sa NUTAM ratings, nagtala ng 11.5% TV rating ang #MPK hosted by Mel Tiangco habang mas mababa naman dito ang nakuha ng MMK ni Charo Santos.

Tweet ng netizen na si @Junell na isa sa mga tumutok sa episode ni Jak, “For me this episode now of MPK’s very inspiring and all the cast gives justice to their characters and they portrayed them well.”

Saad naman ni @Selitheine2, “#MPKFishergays whooooo!!! Great story, great cast..Jak Roberto…Not just a pretty face and body! Grabe!!! Super level ang actig…Can’t take my eyes from the expression, gesture. Galng!!!”

Ngayong Sabado, ang real life lovers namang sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz ang magpapaklig at magpapaiyak sa manonood.

Read more...