Breakdown scene ni Alden sa The Gift pinalakpakan; pang-award

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

ATAT nang makatrabaho ng Concert Queen na si Pops Fernandez ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Isa si Pipay sa magiging judge ng bagong singing search ng GMA na Centerstage habang si Alden naman ang magiging host nito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pops ng litrato nila ng Kapuso Drama Prince na may caption na, “Can’t wait….#centerstage.” Kuha ito sa rehearsal ng Centerstage kung saan mga bata naman ang maglalaban-laban.

Makakasama rin ni Pops bilang judge sa nasabing talent show si Aicelle Santos at ang musical director na si Mel Villena.

Samantala, bago mapanood ang Centerstage tutukan muna ang huling dalawang linggo ng The Gift sa GMA Telebabad after Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, mabuhay pa kaya si Nanay Straw (Jo Berry) matapos kidnapin at barilin ni Javier (Christian Vasquez)? At hanggang saan aabot ang galit ni Sep (Alden) sa pamilya ni Jared (Martin del Rosario) ngayong nag-aagaw buhay ang kanyang nanay-nanayan?

Puro papuri naman ang natanggap ni Alden mula sa manonood sa breakdown scene niya nang matagpuan niya si Nanay Straw na nakahandusay matapos barilin ni Javier. Talagang palakpakan ang viewers sa nasabing eksena.

Kailangang abangan n’yo ang mga huling pasabog ng The Gift dahil siguradong hindi n’yo kakayanin ang mga susunod na ganap sa makulay at madramang buhay ni Sep, lalo na kapag nalaman na niyang si Nadia (Jean Garcia) ang tunay niyang ina.

 

Read more...