Angeline Quinto received nothing but praises for her down-to-earth demeanor.
In her recent vlog kasi, it showed her na pumunta sa isang probinsiya at sumabak sa Bahay Kubo Challenge.
In the video, ipinakita ang simpleng pamumuhay ng singer. It showed her na namamalengke, nagluluto, naliligo habang binobomba ng isang bading niyang kasama ang tubig na kanyang ipinaliligo at kumakain habang nakakamay at ang ilaw lang ay ang may sinding kandila. She even joined a boodle fight with the local folks.
Marami ang pumuri kay Angeline. Ibang-iba raw kasi siya. She was bereft of kasosyalan.
“Ito ang tunay na babae kahit gaano kasikat at kahit gaano na kayaman walang arte sa katawan”
“I’ve never ever seen a celebrity doing this, well done. You are one very down to earth and genuine lady!!!”
“Bilib na talaga ako sayo Idol kasi di ka nakakalimot kung saan ka nagmula at kung ano yung mga bagay na ginagawa mo noon ginagawa mo pa rin ngayon.”
“Kaya Love ng masa si Angge… hindi nagpapanggap… down to earth at hindi pasosyal…Walang arte at walang halong pag iinarte.”