TOTOO nga ba ang chika na may bago nang boyfriend ngayon ang dating sexy star na si Ellen Adarna?
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin si Ellen kung break na ba talaga sila ni John Lloyd Cruz pero marami nang patunay na matagal na silang nagkanya-kanya.
Balitang nasa pangangalaga ngayon ni Ellen ang anak nilang si Elias Modesto at kung minsan ay nasa poder naman ni Lloydie ang bata.
Nitong mga huling linggo, madalas makita si Ellen sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan. May mga litrato rin sila ni Elias na kuha sa Germany kung saan sila nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
At ang latest chika nga, may bago na raw dyowa ang aktres base na rin sa mga post nito sa Instagram na kuha sa Spain. Ayon sa mga netizens na nakakita ng mga IG photos ni Ellen, ang lalaking kasama ng sexy star ay si Carlos Lemus.
Walang ibinigay na detalye si Ellen patungkol sa nasabing guy pero naniniwala ang kanyang social media followers na ito na nga ang ipinalit niya kay John Lloyd.