Malalim pa rin ang hugot ng A Soldier’s Heart star na si Sue Ramirez sa pagkawala ng kanyang ama na pumanaw noong 17 years old pa lang siya.
Napaiyak ang dalaga nang alalahanin niya ang kanyang tatay sa isang episode ng Magandang Buhay kamakailan.
“Ako kasi 17 na ako nu’ng namatay ang daddy ko and may sakit siya simula nung six years old ako. So na-experience ko lang talaga na okay siya, anim na taon lang ng buhay ko. Most of it, I don’t remember anymore,” lahad ni Sue.
MOST READ
LATEST STORIES