Pwedeng humirit ‍ ng hazard pay

KAPAG may mga extraordinary situation while doing your work and performing your job, gaya halimbawa ng pagtatrabaho sa mga restaurant, hotel, bank, gas station at iba pa sa Tagaytay City kung saan sakop ito ng 14-kilometer permanent danger zone ng Taal volcano eruption, pwedeng humirit ng hazard pay.
In this similar situation, pwede kang humirit sa iyong company or boss either by telling your boss directly or by writing a simple letter requesting for hazard payment due to extraordinary circumstances.
Hazard is a dangerous phenomenon, substance, or human activity or condition that may cause loss of life, injury, disease or other health impacts, property damage, loss of sources of livelihoods and services, social and economic disruption, or environmental damage.
Hazard pay is a cash compensation to employees given on top of their basic salary for rendering duty work under extraordinary conditions and circumstances that may result in death, serious injuries, sickness, disease, and handicap.
Maraming kompanya ang nagbabayad ng kanilang mga empleyado ng 15 hanggang 25 porsyento ng kanilang daily pay bilang hazard pay.
Bukod sa mga rank-and-file employees, alam nyo rin ba na maging mga manager and supervisor ay maaari ring mag-request ng hazard pay sa kanilang mga big boss.
Currently, we have no law or policy that compel or encourage employers and business owners in private companies to provide hazard pay.
Kailangan pa ng batas galing Kongreso o kaya ay department order mula sa Kagawaran ng Paggawa ang hazard payment.
Pero marami ng company dito sa bansa ang nagbibigay ng hazard pay sa kanilang mga employees, at mabuti naman iyon!
Pinapraktis na rin ito ng government employees gaya ng police and military, fire and rescue personnel.
Pero teka, maaari bang humingi ng hazard pay against your problematic co-employee na katabi mo or toxic na boss? Your answer is as good as mine!

Read more...