P147M jackpot ng Ulta Lotto hindi tinamaan

WALANG tumama sa P147.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola noong Linggo.

Hindi nakuha ang winning number combination na 01-03-29-41-24-48.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office noon pang Oktobre 13 pa walang nananalo sa jackpot prize ng Ultra Lotto. Nang tamaan ito noong Oktobre 11 ay isa ang nanalo ng P244.9 milyong jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P280,000 ang apat na mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P1,900 naman ang 517 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 13,699 mananaya na nakatatlong numero.

Sa Martes ang susunod na bola ng Ultra Lotto ay inaasahan na lalagpas na sa P150 milyon ang aktwal na jackpot prize.

Ang mga premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Read more...