Paano iiwas sa Coronavirus

DAHIL patuloy na dumadami ang bilang ng mga infected ng coronavirus, na gaya ng ibang naunang outbreak tulad ng Middle-East Respiratory Syndrome, at Severe Acute Respiratory Syndrome na human to human transmission ang nangyayari sa pamamagitan ng droplets gaya ng laway at paglapit sa mga may sakit, kailangan ang ibayong pag-iingat.

Upang hindi mahawa, naglabas ang World Health Organization ng mga maaaring gawin para maiwasan na mahawa ng nakamamatay na sakit na ito.

1. Huwag lumapit sa mga taong may acute respiratory infections.

2. Madalas na maghugas ng kamay lalo na kung nakisalamuha sa mga taong may sakit. Bukod sa sabon at tubig ay maaaring gumamit ng mga alcohol-based hand rub.

3. Iwasan ang unprotected contact sa mga farm o wild animals. Dapat ding iwasan ang pagkain ng hilaw o undercooked na animal products.

4. Ang mga taong may sipon, lagnat o ubo ay dapat na gumamit ng disposable tissue at maghugas ng kamay. Agad na itapon ang nagamit na tissue at maghugas ng kamay.

5. Ang mga ospital ay dapat sumunod sa standard infection prevention and control practices upang hindi kumalat ang sakit sakaling mayroong pasyenteng may 2019-nCoV na isinugod doon.

6. Ang mga bumiyahe lalo na sa mga lugar na may positibong kaso ng 2019-nCoV ay dapat na agad magpasuri.

7. Magsuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar upang hindi mahawa o makahawa.

Sintomas ng coronavirus:

1. Nilalagnat

2. Ubo at sipon

3. Kinakapos ng paghing o hirap sa paghinga

4. Ang mas malalang kaso nito ay humahantong naman sa pneumonia, severe acute respiratory syndrome, kidney failure at pagkamatay.

Read more...