‘Isang araw ay bigla na lang tayong bubulagain ni Kris sa tv!’


BAGONG kapalaran para sa taong 2020 ang inaasahan ng mga tagasuporta ni Kris Aquino na hanggang ngayo’y umaasa pa rin sa kanyang pagbabalik on national television.

Dalawang taon nang wala sa gitna ng labanan ang actress-TV host, napakatagal nang pagkawala ‘yun sa paningin ng manonood, ano nga kaya ang magaganap sa kanyang karera sa taong ito?

Komento ni prop, ang kaibigan naming sa pagbagsak at pagbangon ay nananatiling de-primerang tagahanga ni Kris, “She’s an icon already. Anuman ang mangyari, she has her space na, wala nang makaaagaw pa sa puwesto niya.

Na totoong-totoo naman. Pero siyempre’y mas marami pa rin ang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Marami nang nakaka-miss sa kanyang atakeng kanyang-kanya lang.

Malay naman natin, baka isang araw ay bigla na lang tayong bulagain ni Kris, dahil muli na pala siyang haharap sa mga camera dala-dala ang kanyang mikropono.

Pansamantala ay ang kanyang kalusugan muna ang tinututukan ni Kris, nabawasan na ang kanyang pinoproblema, kailangan na lang niyang magbalik pa uli sa Singapore para makuha ang patunay na maayos na maayos na ang kanyang pisikal na estado.

Mangyari na sana ‘yun nang agaran para ang kanyang career naman ang kasunod na aasikasuhin ni Kris, dahil sabi nga ng kanyang mga tagahanga–Kris Aquino is Kris Aquino.

Read more...