Yorme napaiyak: Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyong panagutan ko sa batas... | Bandera

Yorme napaiyak: Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyong panagutan ko sa batas…

Ervin Santiago |January 25,2020
facebook
share this

Yorme napaiyak: Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyong panagutan ko sa batas…

Ervin Santiago - January 25, 2020 - 05:58 PM

ISKO MORENO

HINDI napigilan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang maluha nang resbakan nito ang isang human rights lawyer na tumawag sa kanyang “epal”.

Inakusahan ni Atty. Fahima Tajar, isang human rights lawyer, ang alkalde ng paglabag sa ilang batas kaugnay ng pagkakaroon nito ng billboards sa EDSA para sa mga tinanggap nitong product endorsements.

Partikular na binanggit ni Atty. Tajar ang sinabi ni Mayor Isko na for “a good cause” ang pagtanggap nito ng product endorsements, dahil idino-donate niya ang kanyang talent fee sa mga mahihirap, pero ipinaaaresto naman nito ang mga vendor sa Maynila na gusto lang kumita para mabuhay ang kanilang pamilya.

Narito ang post ni Atty. Tajar sa kanyang Facebook laban kay Yorme: “So let my recent post be an exercise of your class bias. Kapag yung pa-cute na mayor ang lumabag sa batas, okay lang kasi napupunta naman for a ‘good cause’ through donations ang talent fee n’ya sa endorsements ng produkto.

“Pero yung vendor na nasa kalsada para magtinda at buhayin ang pamilya n’ya, hindi pwedeng lumabag sa batas kasi hindi yun for a good cause? Papakainin mo ‘yung pamilya mo, hindi ba yun good cause?

“Pero yung graffiti artists hindi pwedeng lumabag sa batas kahit protest art yung sinulat or ginawa n’ya sa pader? Hindi ba niya pwedeng i-invoke ang for a good cause?”

Pagpapatuloy

“Vandalism. Lakas maka-invoke na sumunod sa batas eh s’ya yung lumalabag. Kapag ikaw, okay lang?

“For elective local government officials, Section 90 of RA 7160 (Local Government Code) governs: SEC. 90. Practice of Profession. (a) All governors, city and municipal mayors are prohibited from practicing their profession or engaging in ANY OCCUPATION other than the exercise of their functions as local chief executives.

“Anong mahirap intindihin sa ANY OCCUPATION?  Dilaan mo kaya billboards mo.” Ang tinutukoy ni Atty. Tajar ay ang banta ni Mayor na padidilaan niya sa mga nagba-vandal ang mga graffiti sa pader ng Lagusnilad underpass.

Nang makarating ito kay Yorme, agad itong nagbigay ng pahayag at naging emosyonal nga habang nagpapaliwanag.

 “Nagagalit kayo, pinagalitan ko kayo nang pinturahan ninyo yung pader ng may pader dito. E, hiningi ko lang yun, ipinangmalimos ko lang yun dahil dugyot yung underpass.

“O ngayon, sasama ang loob ninyo na nagkaroon ng gobyerno na nagsasaayos lang, o dahil sumama ang loob ninyo, hahanapan ninyo ng butas ng may butas, kahit butas ng karayom, bubutasin ninyo?

“‘Tapos kung mangangatuwiran tayo, baluktot? Dapat daw payagan ko ito dahil yung ginawa ko raw, illegal. Dahil under Section 90, mema (may masabi lang). Anong buti noon sa Batangas? Dahil naiinis ka lang sa pagmumukha ko sa EDSA? Is that fair?

“Dahil minsan kong hinuli ang mga kasamahan mo, e, mali? Dahil baluktot ang pangangatwiran ninyo?” simulang paliwanag ni Yorme.

Dito na nagsimulang maging emosyonal si Mayor Isko, “Yung laway niyo, walang bisa! Yung luha ng nanay, hindi niyo kaya yun kasi hindi kayo naging mahirap!

“Yung umiiyak yung tatay, umiiyak yung nanay, may tumor yung anak niya, walang magawa ang gobyerno.

“Walang magawa ang mga mayor, kasi limitado ang kapangyarihan sa paggastos sa isang pasyente dahil milyon… buhay niya? Yan ang tinatamaan ninyo, ng kagalingan ninyo. Diyan kayo magaling!

“O, pumunta kayo dito, dito kayo manood ng tunay na sitwasyon ng tao! Makita niyo yung iyak ng ina na may tumor yung anak niya.”

“Magagaling kayo, magaling lang kayo dahil nag-aral kayo, pero yung pag-aaral ninyo, hindi niyo ginamit sa makatuwirang pamamaraan.

“Bakit, palibhasa maganda ang bahay mo, panatag ka na? O, lahat ng mga produkto gustong magpaendorso, ieendorso ko kayo, maoperahan lang yung bata na yun,” may halong galit pang pahayag ni Yorme.

Samantala, matapos maglitanya, agad din namang nag-sorry si Isko, “Pasensiya na kayo. I swear to God, I’m sorry, I’m really sorry.

“Ang masakit na portion doon, yung mag-isip ka kung paano magiging maayos yung mamamayan mo, kung paano mo maitawid sila. Pagod ka, hindi mo na nakikita yung anak mo.

“Itutulog mo na lang, bibiyahe ka pa ulit para kunin lang yung suspect dahil may mga umiiyak na mahal sa buhay. Sinunog yung anak niya, nanay niya… yung hustisya.

“Wala kayo sa totoong mundo! Nabubuhay kayo sa virtual world, wala kayo sa totoong mundo. Namumuhay kayo sa bundok. Inilalayo ninyo ang sarili niyo sa katotohanan at realidad ng lipunan. Namumuhay kayo sa mga aral, ideolohiya. Ito ang totoong mundo!” 

“Mga kababayan, kayo na ang humusga sa akin. Then, if that’s the case, na maraming naaabot yung perang ipinamahagi ng mga pribado, sa ginagawa kong pag-endorse, para sa kapakinabangan ng pribado at, higit sa lahat, on top of everything, kapakinabangan ng mga nalulugmok, biktima ng trahedya—then I will continue to do it.

“I will not stop. Mamatay ka sa inggit. O ngayon, tutal lawyer ka, I challenge you, taxpayer ka naman, e.

“Kung mali ang ginawa ko, hayaan ninyo na panagutan ko sa batas kung mali ang pagtulong sa taumbayan sa ibang klase, uri, at makatuwirang pamamaraan na hindi ginagamit na parang balewala na lang ang kaban ng bayan.

“Pera ng pribado, itinulong sa tao, mali? Huwag kayong makasubok sa Maynila, huwag kayong lalabag sa batas.”

Huling mensahe ni Yorme sa human rights lawyer,  “Magaling ka palang abogado, e, di tumulong ka sa mahihirap. Punta ka rito sa Maynila, ang daming may kaso, kulang ng abogado. Yun ang pagtulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ewan ko ba kung ano ang naituturo sa inyo sa unibersidad na ‘yan, hindi ko talaga alam. Nananahimik kami rito, mema lang kayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending