Dina ibinandera kung paano sila nagkabati ni Coney: Dahil sa kanya naging Christian

DINA BONNEVIE AT CONEY REYES

Inamin ng award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie na may kaibigan siya noon na nakaaway niya dahil sa dating asawang si Vic Sotto.

Sa nakaraang presscon ng latest primetime series ng GMA 7 na “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday” na magsisimula na sa ngayong Lunes, ikinuwento ni Dina ang tungkol dito.

Natanong ang cast ng serye kung na-experience na nila sa totoong buhay ang traydurin ng kaibigan tulad ng kuwento ng mga karakter sa “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.”

“Well, I think my life is an open book. Alam naman ng lahat na mayroon akong friend na naging magkaaway kami before because of my partner, my husband. Nagkaanak din sila.

“Of course, it was painful. Inabot din ng ilang years bago kami nagkabati. But God is good, we forgave each other,” simulang kuwento ni Dina. Pero nagpasalamat siya sa kanyang matalik na kaibigan dahil naging tulay pa ito para mas lalong mapalapit sa Diyos matapos silang magkabati.

“And now, actually, I admire her because she’s really a wonderful person. Kaya ko rin siya naging kaibigan noon, you know. But we are not perfect people, we make mistakes. I really admire her, especially now that she’s a very successful mother.

“She has devoted her time to the Lord. So, dahil din sa kanya, naging Christian ako. So, maganda at maayos ang pagiging magkaibigan namin muli, nagpapasalamat ako,” paliwanag ni Ms. D.

Hindi pinangalanan ng aktres kung sino ang tinutukoy niya kaya nang tanungin pagkatapos ng presscon kung si Coney Reyes ito, narito ang sagot ni Dina, “Dati naman kaming friends. Pero ngayon okay naman kami.”

“Actually, surprisingly… I was going already to that church and then, niyaya niya ako. Sabi niya, ‘Come, join me.’ [Ako naman], ‘Totoo ba ‘to?’ God is good. Parang He really finds a way to heal your heart and to heal relationships,” aniya pa. “And parang, from how she was before and now, kapuri-puri talaga. I admire her and talagang friends na kami.”

Dating asawa ni Dina si Vic Sotto at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Danica at Oyo habang isa naman ang naging anak ni Coney kay Bossing, si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Samantala, simula na ngayong Lunes after 24 Oras ang “Anak ni Waray Vs Anak ni Biday” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez. Sina Ms. D at Snooky Serna ang gaganap na nanay nila na dating mag-BFF na naging mortal na magkaaway dahil sa lalaki.

Read more...