P250M budget sa Roxas blvd. makeover


IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang paglalaan ng P250 milyon para sa rehabilitasyon ng Roxas boulevard bilang paghahanda sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) 2014 at World Economic Forum (WEF) sa 2015.

Sa kanyang briefing, iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kinakailangan ito sa inaasahang pagdagsa ng bisita sa bansa.

Idinagdag niya na napapanahon na para pagandahin ang Roxas Boulevard. “If I’m not mistaken, Roxas Boulevard spans three or four local government units.

Kung napapansin n’yo, doon sa mga naglalakad ho sa Roxas, kapag tumawid na kayo ng boundary, iba na ‘yung lamp posts. Parang wala hong coherence ‘yung buong boulevard. So gusto ring i-improve ‘yon,” aniya pa.

Sinegundahan naman ito ni Budget Secretary Florencio Abad na sinabing dapat ay maganda ang bubungad sa mga dayuhan.
“Roxas Boulevard is one of the country’s major gateways for local and international tourists, apart from being one of Metro Manila’s busiest and most well-developed commercial areas,” hirit niya.

Ipinaliwanag niya na ang pondo ay sasaklaw sa pagsasaayos ng mga service road, parking area, lighting, at iba pang “infrastructure requirements”. Ang Department of Public Works and Highways, ani Abad, ang mangangasiwa sa proyekto.

“The aim is to go beyond merely beautifying the road to create a comprehensive, long-term, and sustainable plan that will shore up tourism and commerce in the surrounding areas, all while considering environmental, traffic management, and security issues along the boulevard,” dagdag pa ni Abad.

Read more...