NAGING teary-eyed si Kim Chiu nang mapadako ang usapan sa kanyang family during the presscon of her latest TV series Love Thy Woman.
Aminado kasi siyang may ibang pamilya ang kanyang ama, tulad ng tema ng kuwento ng Love Thy Woman.
“Growing up, lagi akong nagwa-wonder kung nasaan ang papa ko, lagi kasi siyang wala. Ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, sa city siya. Nililipad niya talaga iyon.
“Habang lumalaki (ako), okay na ako na wala akong father figure. Pero kapag may special events ay nandiyan siya. Kunwari may event, a-award-an ako, honor kasi ako noong elementary ako, ‘ah, sino ang pupunta, sino ang aakyat (sa stage)?’ Magugulat na lang ako, ‘ah, si Papa pala. Dumating pala siya.’
“Iyon ang naging motivation ko, na mag-aral ako nang mabuti para every time na mayroon akong award ay pupunta siya. Sa mga birthdays…hala, naiiyak ako,” naluluhang say ni Kim.
Aminado siya na may mga kapatid siya sa labas. Sa Love Thy Woman, isa siyang kapatid sa labas ng character ni Yam Concepcion.
Somehow, naka-relate si Kim dahil may mga kapatid siya sa labas, “Tinitingnan ko kapag umaarte kami. Shocks! Kawawa din pala ang mga anak ng Papa ko, ‘no? Kasi kapag first family parang ikaw ang ‘yung pinakamatapang.
“My character came from second family, so now I understand the feeling ng mga kapatid ko sa labas. Marami naman kami. Masipag ang Papa ko. Hindi, mapagmahal lang ang Papa ko. In this teleserye, you can see what happens inside a modern,” Kim added.
Sinabi ng actress a walang nangyaring sapawan sa cast members ng bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN na magsisimula na ngayong February.
“Sa amin lahat dito sobrang generous sa lahat ng actors and actresses. Dapat lagi kaming handa. Pagpunta ko ng set lahat naka-game face. ‘Huwag kang magpaiwan. ‘Kapit Kim’, ganoon. Dapat memorize mo lahat, dapat aral mo lahat, dapat alam mo lahat ng gagawin, dapat making ka sa blocking. Dahil diyan, hindi ka masasapawan. Dapat ready ka kasi kung hindi ka ready ay maiiwan ka, sapaw na sapaw ka.
“Hindi naman sapawan pero maiiwan ka. Sobrang intense nila lahat and sobrang alert lahat ng actors. Sobrang walang tapon sa mga eksena namin kaya hindi nila dapat ma-miss everyday,” sbi pa niya.