NAKUMPISKA ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P20.4 milyong halaga ng shabu sa isang babaeng Thai national sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa Barangay Palanan, Makati City.
Sa inisyal na ulat mula sa PDEA, aabot sa tatlong kilo ng shabu ang narekober mula kay Kanokrat Jampangoen ganap na ala-1 ng hapon noong Huwebes.
Nitong Huwebes din, naaresto ng mga otoridad ang isa pang Thai na babae na kinilalang si Narumon Sukkato sa isa pang buy-bust operation sa isang restaurant sa Pasay City.
Nakumpiska mula sa suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.
MOST READ
LATEST STORIES