ISANG bata ang nadulas at nahulog sa isang creek sa Quezon City kagabi habang kinukuha ang kanyang bola.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nahahanap si Jusfer Orquina na posibleng patay na.
Naglalaro umano ang biktima alas-3 ng hapon nang mahulog ang bola nito sa sapa. Tinangka umanong kunin ng bata ang bola subalit siya ay nadulas at nahulog.
Nagtulong-tulong ang mga tao sa lugar at mga rescuer subalit makalipas ang anim na oras ay hindi pa nila nakukuha ang bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending