HALOS magkasabay ang pagpapalabas ng ABS-CBN sa mga proyekto ng controversial stars of 2019 na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Tingin marahil ng mga boss ng Kapamilya Network at Star Cinema, humupa na ang isyu sa dalawa and it’s about time na ipalabas na nila ang seryeng “A Soldier’s Heart” ni Gerald sa Lunes, Jan. 27 at ang pelikulang “Block Z” ni Julia na ipalalabas naman sa Jan. 29.
Laking pasasalamat ni Julia na sila ng dating kalabtim at ex-boyfriend na si Joshua Garcia ang napiling magbida sa “Block Z” na idinirek ni Mikhail Red.
“It’s being able to work with Direk Mik. It’s actually, Joshua who introduced me to Dierk Mik and he always say good things about him, and he told me about his work. And they called us for… pitching for the zombie film,” sambit ni Julia.
Sobrang na-excite at nag-enjoy sa paggawa ng “Block Z,” “I couldn’t be more excited. First, kasi action siya. It’s a first action that I’ve ever done. Second because it’s the first large scale zombie movie in the Philippines. And third, because I got to work with amazing actors whom I have become really my good friends.”
Si Joshua naman na-enjoy ang shooting ng “Block Z” dahil sa mga ginawa niyang stunts sa movie.
“Kasi siyempre, hindi naman ako palagi nakakapag-stunts. Lagi akong… ‘I love you’ ganyan. So, sobrang saya ko na mag-i-stunts ako. Actually, meron akong ginawa doon na sobrang hirap. Sa sobrang hirap kinailangan kong mag-double. Pero gusto ko talagang gawin. Kaya lang sobrang hirap, e,” say ni Joshua.
Binalikan din ng aktor ang isang eksena kung saan naaksidente pa siya, “Kasi pag tiningnan mo talaga sila (mga zombie) nakakatakot, para kayong nagtataya-tayaan. Kasi siyempre ang goal nila mahabol ka, kumbaga mataya ka nila.
“Matatakot ka itsura pa lang talaga nila. Nu’ng paglingon ko hindi ko napansin yung locker, tumama yung shoulder ko sa locker. Pagkabangga ko ng ganu’n hindi na ako nakapag-react sa pain, tatakbo lang talaga ako pababa. Mapapatakbo ka talaga dahil sa mga zombie,” aniya pa.
Kasama rin sa “Block Z” sina Ian Veneracion, Dimples Romana, McCoy de Leon, Mariz Racal, Yves Flores at Ina Raymundo, plus a thousand of zombies, under Star Cinema Productions.