‘Madrasta’ nina Arra, Thea at Juancho hataw sa TV ratings

ARRA SAN AGUSTIN, JUANCHO TRIVIÑO AT THE TOLENTINO

“Worth it ang pagod,” sey ng Newest Gem of Drama na si Arra San Agustin sa mataas na ratings ng pinagbibidahan nitong GMA Afternoon Prime series na “Madrasta.”

Patuloy na umaarangkada sa TV ratings ang programa, na ikinatataba ng puso ng aktres. Patuloy na nilalabanan ng karakter niyang si Audrey ang kasamaan ni Katharine (Thea Tolentino) at ang mga maiitim nitong balak laban sa pamilya ni Sean (Juancho Trivino).

Huwag palalampasin ang mas tumitinding kaganapan sa “Madrasta” tuwing hapon, pagkatapos ng Prima Donnas.

Read more...