Confirmed: Juday tuloy na sa biopic ni Mother Lily, ididirek ni Eric Matti

LILY MONTEVERDE AT JUDY ANN SANTOS

TAGUMPAY ang premyadong writer-director na si Erik Matti sa ilang years na panliligaw sa magkapatid na Dondon at Roselle Monteverde upang maisalin sa big screen ang buhay ni Mother Lily Monteverde.

Nagkaroon na ng pormal na pag-uusap sina Mother Lily, Dondon and wife, Grace, Roselle, direk Erik at Judy Ann Santos na siyang unanimous choice upang gumanap na Mother Lily sa nasabing biopic.

“#Mother filming soon with director Erik Matti and the unanimous choice to portray Mother is Judy Ann Santos-Agoncillo,” post ni Roselle sa kanyang Instagram account with photo na kuha sa kanilang meeting.

Sa Facebook post naman ni Direk Erik ibinahagi nito ang kanyang mensahe pagkatapos ng kanilang meeting, “Mother Lily/Regal Entertainment has a very interesting, epic and crazy life story worth every cent to show on the big screen.”

Ang dinig namin, ang early life ni Mother ang una munang gagampanan ni Juday sa pelikula. Who knows, magkaroon ito ng sequel and another sequel and another, huh! Alam n’yo naman ang buhay ng Regal Films matriarch, sobrang makulay at punumpuno ng mga aral.

Read more...