Barbie, Kate pinuri ni Celia Rodriguez: Ang gagaling, saka magagalang

CELIA RODRIGUEZ, KATE VALDEZ AT BARBIE FORTEZA

Todo ang papuri ng award-winning veteran actress na si Celia Rodriguez sa mga lead star ng bagong Kapuso series na “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” na sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Sa nakaraang mediacon ng programa, natanong ang aktres kung ano ang maipapayo niya kina Barbie at Kate para mas tumagal pa sa showbiz, “Hindi na dapat payuhan ‘yan, they know what they’re doing, ang gagaling. I know they’re going to have a good future for as long as they retain their professionalism.

“Si Barbie, napaka-professional niyan at saka karinyosang bata. Eto namang si ‘Sexy’ (Kate) ‘oh, ‘yung apo ko sa show. Napaka-professional. Kaming mga medyo may edad na, nale-late, nahihiya kami sa mga bago. Palaging nasa set, naka-makeup, at alam ang mga lines.

“I’m so proud na ang mga batang ito, they will have a good future because not only do they look up at us, pero nagtatanong sila kung ‘Dapat ba ito? Dapat ba itong salitang ganito?’ They really have a goal to be someone who people will look up to when the time comes. I know that Barbie and Kate will be big stars and I will look up at them and say ‘Wow, I worked with them!'” aniya pa.

Reaksyon naman ni Kate, “Kung nakita n’yo ‘yung reaction ko kanina, natuwa ako at kinilig ako dahil naa-appreciate niya ‘yung ganoon. Lalo akong na-inspire na ‘pagpatuloy ‘yung ganoong thinking ko, ‘yung professionalism, ‘kung ano’ng ginagawa ko sa work. ‘Pagpapatuloy ko ‘yon dahil napapansin pala nila.”

Magsisimula na ngayong Lunes ang “Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday” sa GMA Telebabad bago mag-The Gift. Kasama rin dito sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Jay Manalo, Migo Adecer at maramai pang iba. And with the special participation of Lovi Poe, Max Collins and Jason Abalos, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Read more...