NAG-SORRY si James Reid sa magkapatid na Yassi at Issa Pressman matapos madamay sa break-up nila ni Nadine Lustre na halos tatlong taong nag-live in.
Hiyang-hiya ang hunk actor sa mag-sisters dahil nga sa pagkakadawit sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Nadine na hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan sa loob at labas ng showbiz industry.
Si Issa ang inakusahang third party daw sa hiwalayang JaDine matapos kumalat ang mga sweet photos at video nila ni James, kabilang na ang isang litrato kung saan naghahalikan umano ang dalawa.
Matapang namang ipinagtanggol ni Yassi ang kapatid at sinabing walang nangyaring ahasan at hindi papatulan ni Issa ang issue dahil wala naman itong katotohanan.
Nang makarating nga kay James na nadamay na ang magkapatid sa kontrobersiya, agad siyang nagkomento sa Instagram post ni Yassi at humingi ng pasensiya.
“Sorry, you girls got dragged into this. There are some messed up people out there,” ani James.
Samantala, “nagmakaawa” na rin si Nadine sa madlang pipol at sa ilang fans nila ni James na tigilan na ang pagpo-post ng mga kanegahan sa social media para wala nang madamay na mga inosenteng tao na wala namang kinalaman sa break up nila ni James.
“Can you all please, please stop. You’re blowing things out of proportion. These assumptions need to stop,” mensahe ng aktres.