Dagdag na 30% sweldo para sa Chinese New Year

MAY dagdag na 30 porsiyento sa basic pay ng mga manggagawa sa darating na Chinese New Year .
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules ngayong Chinese New Year sa Sabado, Enero 25
Ang mga manggagawa na papasok sa Enero 25 na idineklarang Chinese New Year ay makakatanggap ng full pay sa kanilang sweldo bukod pa sa karagdagang 30 percent ng basic pay. Ang naturang araw ay idineklara bilang Special Non-Working Holiday alinsunod sa Labor Advisory No.2 na ipinalabas noong January 20. Sa ilalim labor advisory, dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang manggagawa ng karagadagang 30 porsiyento ng kanilang arawang sweldo sa unang walong oras ng kanilang trabaho ( basic wage x 130 percent plus COLA). Sakaling nag-overtime o sosobra sa walong oras ang trabaho ay magdadagdag ng 30 % ng kanyang hourly rate sa naturang araw.
Sa kaso ng mga empleyadong kailangang pumasok sa naturang araw kahit na “rest day” ay madadagdagan ng 50 percent ng kanilang arawang sweldo sa unang walong oras ng trabaho at iiral din ang dagdag na 30 porsiyento ng hourly rate kung sosobra sa 8 oras o hourly rate of the basic wage x 150 percent x 130 percent x number of hours work.’ Ngunit ang mga empleyado na hindi naman papasok ay ipaiiral ang “no work, no pay policy” maliban na lamang kung may paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) para sa pagbibigay ng payment sa special day. Ang nasabing pay rules para sa January 25 na idineklarang Special–Non Working holiday ay alinsunod na rin sa proclamation no. 855 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte. Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Read more...