| Bandera

Madam Sophia |January 24,2020
facebook
share this

Madam Sophia - January 24, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ituloy mo lang ang pagpapaganda, sapagkat kung ang iba ay sinusuwerte dahil sa pagsisikap at sa pagsisipag, sa iyo ay kakaiba, susuwertehin ka at dadatnan ng magagandang kapalaran sa simpleng paraan lang na pagpapaganda. Umpisahan mo na ngayon, upang magumpisa na ring dumating ang suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na G. at B.
Aries – (Marso 21-April 19)- Kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa lovelife, ang kasuyo mong mapagmahal ang magiging katuwang mo sa pagpapalago ng inyong kabuhayan. Markahan ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Red at orange ang buenas. Swerte sa initial na C. at B.
Taurus – (April 20-May 20)- Isang malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Kapag hindi iningatan mauubos din agad. Kapag maraming pera kailangang magtipid at mag savings. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Virgo. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na S. at A.
Gemini – (May 21-June 21)- Kung hindi naging maganda ang pasok ng pera nitong Enero, umasa kang pagpasok ng Pebrero, mabilis pa sa alas-kuwatro, aangat ang kabuhayan, at tuloy-tuloy na madaragdagan ang kinikita. Sa lovelife kapag nagkapera, ilibre naman ang kasuyo sa paborito niyang kainan. Markahan ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Yellow at lilac ang buenas. Swerte sa initial na M.at T.
Cancer – (June 22- July 22)- Panahon na upang dagdagan at damihan ang pagkilos. Sa taong ito kapag dinamihan ang pagkilkos, kasunod nito, mabilis ding lalago ang kabuhayan. Sa lovelife, pagpasensyahan ang kasuyong maangas, dahil iyon talaga ang ikinaliligaya niya. Markahan ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Silver t green ang buenas. Swerte sa initial na P. at R.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa taong ito inuutusan ka ng langit at ang utos sa iyo ay kailangang maging agresibo ka pang lalo sa mga bagay na pagkakaperehan. Sa lovelife, hindi naman dapat na maging agresibo, dahil konting lambing lang bibigay din ng bibigay ang kasuyo sa kahit na anong istilo ng romansa ang gustuhin mo. Markahan ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Yellow at orange ang buenas. Swerte sa initial na B. at E.
Virgo – (August 23 – September 22)- Lagyan ng dagdag na kulay ang papalapit na Valentine’s day, bagong istilo ng pakikipagromansa ang dapat na ihanda, upang muling umnit ang suyuan. Sa pinansyal, ituloy mo lang ang mga dati mo ng pinagkakakitaan, kusa ng lalago ang kabuhayan sa susunod na mga araw. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Blue at green ang buenas. Swerte sa initial na G. at I.

Libra – (September 23-October 23) -Disiplinahin ang sarili. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa lovelife at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Aquarius. Markahan ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Lilac at pink ang buenas. Swerte sa initial na N. at L.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa lovelife, itutok ang atensyon sa isang Cancer. Markahan ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Red at green ang buenas. Swerte sa initial na H. at B.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa pag-ibig unti-unti ng bibigay ang kasuyo, ituloy mo lang ang pang-aakit. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Markahan ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Purple at lilac ang buenas. Swerte sa initial na A. at L.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Panahon na upang mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Tandaang kapag marami kang pera ito ay magdudulot ng peace of mind at kaligayahan sa buong pamilya. Markahan ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Red at black ang buenas. Swerte sa initial na T. at L.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Kahit medyo luhaan sa pang-emosyonal na aspeto sa susunod na mga araw bigla ding magbabago ang kapalaran. Alalahanin mong nagkaka-edad ka na, dapat mo ng itama at iaayos ang mga nakaraan mong pagkakamali. Sa pag-ibig hindi na dapat pang balikan ang nakaraan. Markahan ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na D. at K.
Pisces – (February 19 – March 20) – Ingatan ang natitirang salapi! Alalahanin mong mahirap maghanap ng mauutangan. Kaya nga wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa lovelife, panahon na upang magtulong kayo ng iyong kasuyo na palaguin pang lalo ang inyong kabuhayan. Markahan ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Apple green at white ang buenas. Swerte sa initial na U. at V.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending