Sigaw ng netizens: Rochelle, Martin, Christian patayin na sa The Gift


MAS tumindi pa ang galit ng mga manonood sa mga kontrabida ni Alden Richards sa The Gift na sina Christian Vasquez, Rochelle Pangilinan at Martin del Rosario.

Talagang mimumura nila ang mga ito dahil sa kasamaan nila sa Kapuso serye, lalo na si Christian na gumaganap bilang Javier na siyang nagpakidnap kay Nanay Straw (Jo Berry).

Sa mga comments ng netizens na nabasa namin, gusto nilang mamatay ang mga karekter nina Rochelle, Christian at Martin sa kuwento para hindi sila tularan ng iba. May iba namang nag-suggest na pahirapan muna ang mga ito para mas bongga ang kanilang karma!

Samantala, puring-puri naman ng manonood sina Alden at Jo dahil sa kanilang akting sa The Gift.

Sana raw ay muling magkasama ang dalawa sa susunod nilang serye.

Huling tatlong linggo na ng The Gift sa GMA Telebabad after Beautiful Justice kaya huwag na huwag nang bibitiw.

Read more...