Kumpirmado: US visa ni dela Rosa kinansela

KINUMPIRMA ni Senator Ronaldo “Bato” dela Rosa na kanselado na ang kanyang US visa.

Idinagdag ni dela Rosa na pinayuhan siya na muling mag-aplay ng US visa.

“Yes. They officially answered my official query,” sabi ni dela Rosa.

Nauna nang napaulat ang kanselasyon ng US visa ni dela Rosa, dahilan para personal niya itong itanong sa Amerika.

Sinabi ni dela Ros na natanggap niya ang opisyal na sagot ng US nito lamang Enero 20, 2020.

Hindi naman malinaw kung kailan nakansela ang kanyang visa.

“No date given basta mag-apply lang daw ako uli kung gusto ko kasi the present visa was canceled,” sabi ni dela Rosa.

Read more...