P136M jackpot hindi nakuha

WALANG tumama sa P136.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 27 -50 -42 -52 -15 -34.

Posibleng umabot sa P140 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola nito sa Biyernes.

Nanalo naman ng tig-P280,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-P3,060 naman ang tinamaan ng 304 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 7,802 mananaya na nakatatlong numero.

Mula noong Oktobre 13 pa walang nananalo sa jackpot prize ng Ultra Lotto. Nang tamaan ito noong Oktobre 11 ay isa ang nanalo ng P244.9 milyong jackpot prize.

Ang mga premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Read more...