ISA mga matataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na hindi nagbitiw sa tungkulin ay si Prudencio Reyes.
Si Reyes ay deputy commissioner for assessment.
Ipinagmamalaki raw ni Reyes na siya’y inapoint dahil sa rekomendasyon ng maimpluwensiyang Iglesia ni Cristo (INC).
Pero itinatanggi ito ng INC.
Si Reyes ay dating administrator ng Local Water Utilities Administration (LWUA) na nasangkot sa anomalya sa government water agency.
Siya’y na-convict ng korte dahil sa kasong graft.
Bakit siya napasok sa customs gayong siya’y isang convict?
At bakit tila singkapal yata ng asero ang mukha ni Reyes at ayaw niyang tuminag sa kanyang puwesto sa customs?
Ang dalawang deputy customs commissioners na bumitiw matapos nilang marinig ang batikos ng Pangulong Noy sa BOC ay sina
Danny Lim ng Intelligence Group, at Juan Lorenzo Tanada III ng Internal Administration Group.
Ang tatlo pang makakapal ang pagmumukha na gaya ni Reyes na ayaw ding bumitiw ay sina Horacio Suansing ng Enforcement, Maria Caridad Manarang ng Management, Information and Technology Group, at Peter Manzano ng Revenue Collection Monitoring Group.
Bakit ayaw nina Reyes, Manarang, Manzano at Suansing ang magsipagbitiw?
Dahil limpak-limpak na salapi ang kinikita ng lahat ng mga taga customs araw-araw.
Alam ba ninyo na kahit na janitor lamang ay kumikita ng malaki araw-araw sa customs?
May janitor-messenger ang napatunayan ng Office of the Ombudsman na nagkamal ng malaking salapi sa customs at tinanggal.
Pero siya’y nakabalik dahil binayaran daw niya ang ilang kawani ng Office of the Ombudsman.
Ganoon din ang isang mataas na opisyal ng customs police. Siya’y nasilip ng Ombudsman ng unexplained wealth at pinatalsik.
Pero gaya ng nangyari doon sa janitor, pinabalik din ang customs police officer.
Pero malaki raw ang isinukang pera ng customs police official sa isang Ombudsman official na paalis na noon kaya’t siya’y nakabalik sa puwesto.
The next US ambassador to the Philippines is Philip Golberg.
Si Goldberg ay assistant secretary at the Bureau of Intelligence Research ng US State Department.
Papalitan ni Goldberg si outgoing Ambassador Harry Thomas na nakatapos ng three-year tour of duty sa bansa.
Si Thomas ay ibang-iba ang pag-uugali sa kanyang predecessor na si Kristie Kenney na mahal na mahal ng mga Pinoy.
Si Thomas ay hindi mami-miss ng mga Pinoy kapag siya’y umalis na.
Kung sa English pa, “Good riddance, boy!”
Napapa-wow ang inyong lingkod habang papunta sa aking dinner appointment sa loob ng Solaire Hotel and Casino, ang kauna-unahang six-star hotel sa bansa.
Napakalaki at napakalawak ng Solaire Hotel na nasa Pagcor City sa baybayaing dagat ng Manila Bay.
Marami pang hotel-casino ang itinatayo sa Pagcor City.
Maraming turista na mahilig sa gaming sa casino ang pupunta sa Pagcor City na magiging Little Macau hindi na magtatagal.
Pagcor City was envisioned by former Chairman Efraim Genuino ng Philippine Amusement and Gaming Corp.
Kahit na anong masasabi mo kay Genuino, siya’y isang visionary.
Nagreklamo sa inyong lingkod ang housewife na si Maria Hazel Sagovac
laban kay Dr. Terence Gilbert Enverga Leveriza ng Asian Hospital dahil muntik na raw siyang saktan ng doktor.
Ang pinagmulan ng insidente ay nang magbanggaan ang kotse ng housewife at ng doktor.
Pilit na binubuksan daw ni Leveriza ang pintuan ng kotse ni Sagovac upang sapakin ang babae.
Napigilan daw ng isang nagmomotor si Leveriza nang sigawan siya ng, “Hoy, huwag mong patulan ang babae!”
Ang insidente ay napagmasdan ng walong-taong anak ni Sagovac na si Nicole.
Nagka-trauma raw ang bata dahil sa insidente.
Akala ko ba mga malumanay sa pagkilos ang mga doktor dahil sila’y sumasalba ng buhay?