Barbie, Jak napag-uusapan na ang kasal; type ang garden wedding

BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO

Garden wedding ang gusto ni Barbie Forteza kapag ikinasal na sila ni Jak Roberto.

Sa isang interview, natanong ang dalaga kung sila na ba ni Jak ang susunod na magpapalitan ng “I do” matapos ikasal ang kaibigan nilang si Joyce Ching.

Totoong napag-uusapan na rin nila ni Jak ang pagpapakasa, pero, “Biro-biro lang, nakikipagbiruan kami. Kunwari may nakikita ako sa Instagram na singsing tapos sine-send ko sa kaniya tapos sasagot siya, ‘Oh ano ‘yan?’

“Minsan hindi kami nakakapagkita lalo na ngayon kasi halos everyday din ‘yung taping ko. Sasabihin niya, ‘Magpakita ka naman sa ‘kin!’ Sasabihin ko, ‘Para kina Marie ito.’ ‘Yung mga junakis kunwari! Pero pabiro lang naman, wala namang kahit na anong seryoso…pero nakakatuwa lang kasi kahit biro, kahit paano nako-consider na namin ‘yung isa’t isa na maging magkasama in the future.”

Plano niyang magpakasal sa edad na 28, basta financially stable na siya at isang simple and relaxed pero super fun na garden wedding ang pinapangarap niyang kasal.

Read more...