BAWAL palang mag-donate ng infant formula o gatas na tinitimpla.
Pano kaya ang mga bata na nasa mga evacuation center? Ang mga nanay nila ay tiyak na stressed dahil sa pagod at hirap hindi lang noong lumikas kundi maging habang nasa evacuation center kaya mahihirapan din silang mag-produce ng breast milk.
Dagdag-pahirap din ang stress na inaabot nila sa pag-iisip kung ano ang kanilang magiging kinabukasan.
Mukhang maganda naman ang intensyon ng Executive Order 51 na i-promote ang breastfeeding na mainam para sa mga sanggol. Sa maraming pag-aaral kasi ay napatunayan ang benepisyong dulot ng gatas ng ina sa mga sanggol kaya nga kahit sa mga advertisement ng mga infant formula sinasabi na ‘breast milk is still best for babies’.
Ayon sa grupong Save the Children, may 21,000 bata na naninirahan sa loob ng 14-kilometer danger zone ng bulkang Taal at marami sa kanila ngayon ang nasa evacuation centers.
Ang EO 51 o Milk Code ay ginawa noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Ipinagbabawal ng EO ang pamimigay, kahit na sample lang o regalo, ng gatas o promotional devices pabor sa infant formula. Kung makakukuha ng libre, baka kasi ito na ang ibigay ng nanay sa kanyang anak.
Ang mga lalabag ay maaaring makulong at magmulta.
Ang pwedeng i-donate ay ang mga breast milk na naiipon sa human milk bank. Ang Quezon City local government nag-donate na mula sa kanilang human milk bank, pero ilan lang ba ang local government units na may milk bank?
May kongresista na nag-iisip kung napapanahon na bang amyendahan ang batas.
Baka dapat daw lagyan ng ilang exemption gaya halimbawa ng pagputok ng bulkan o mas mapaminsala pang trahedya para maka-inom naman ng gatas ang mga batang nasalanta.
Palagay nyo? Panahon na ba para palitan ang baguhin ang kautusang ito?
***
Hindi pa nakakaisang taon ang mga nanalo noong Mayo pero eleksyon na ang pinag-uusapan.
Nag-aamuyan na kung sino ang mga posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa Mayo 2022.
Kasi nga naman ang bilis lumipas ng
oras.
Sa Oktubre 2021 ay maghahain na ng certificate of candidacy ang mga tatakbo kaya ilang buwan bago ito ay eleksyon na ang nasa utak ng mga pulitiko.
Sino nga kaya ang papalit kay Pangulong Duterte?
Teka, ano na nga bang nangyari sa panawagan na amyendahan ang
Konstitusyon na maaaring magpanatili sa puwesto ng mga nakaupo ngayon?
Eleksyon nasa isip na ng politiko
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...