Paslit pinanood ng porn, hinalay ng lolo

NAHAHARAP sa kaso ang isang 58-anyos na lalaki sa Infanta, Quezon, matapos umanong halayin ang 5-anyos niyang apo.

Inireklamo ng bata at kanyang ama ang suspek sa lokal na pulisya Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Sinabi sa pulisya ng bata na nasa bahay siya ng kanyang lolo noong Disyembre 6 ng gabi at pinanood siya nito ng porn video sa cellphone para daw siya ay “matuto.”

Kasunod noo’y hinubaran na umano ng suspek ang bata, saka ito ginahasa, ayon sa ulat.

Nasuri na ang bata at kinakitaan ng tanda ng panghahalay, ayon sa pulisya.

Read more...