Horoscope-1-22-20 | Bandera

Horoscope-1-22-20

Madam Sophia |January 22,2020
facebook
share this

Horoscope-1-22-20

Madam Sophia - January 22, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mga bigla at hindi inaasahang suwerte ang darating sa iyo ngayong 2020. Kaya wag kang umasa, sa halip, maghintay ka lang. At sa iyong paghihintay, makikita mo bigla ang ang hulog at dating ng suwerte at magagandang kpalaran na hindi mo inaasahan sa materyal na bagay at maging sa lovelife man. Markahan ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Orange at green ang buenas. Swerte sa initial na J at P.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito ng 2020, sayang ang malaking kinikita at dating ng magandang income kung hindi ka mag iipon. Simulan mo ng mag-savings ngayon! Sa lovelife,, balikan ang mga dating lugar na pinasyalan nyo ng iyong mahal at doon uli kayo magsummer vacation. Markahan ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Gray at pink ang buenas. Swerte sa initial na R. at C.
Taurus – (April 20-May 20)-Sa taong ito tuloy-tuloy na darating ang suwerte basta’t ituloy mo lang din ang mga mabubuting ginagawa mo sa iyong kapwa lalo sa iyong pamilya. Nakikita ng langit ang mga pagsasakrispisyo mo at inilista na ang iyong pangalan sa talaan ng mga gagantimpalaan ng malaking halaga. Ngayon pa lang iplano mo na kung saan mo dadalhin ang mahahawakang pera. Markahan ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Blue at pink ang buenas. Swerte sa initial na F at G.
Gemini – (May 21-June 21)-May dalawang aakit sa iyo sa taong ito ng 2020. Aakitin ka ng ka-opposite sex na hindi ka dapat na bumigay agad-agad at aakitin ka rin ng suwerte at magagandang kapalaran na dapat namang sunggaban moa gad. Markahan ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Silver at green ang buenas. Swerte sa initial na D. at S.
Cancer – (June 22- July 22) -Sa taong ito ng 2020 upang magtuloy-tuloy ang suwerteng pang-materyal makipagkaibigan sa isang Capricorn at sa mga taong may birth date na 5, 14, at 23. Sa lovelife,, puwede ng pag-tiyagaan ang isang Virgo lalo na’t 1, 10, 19 o kaya’y 28 ang kanyang birth date. Markahan ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Bukod sa green ang yellow ay buenas. Swerte sa initial na M. at C.
Leo – (July 23 – August 22)-May lihim na naiingit sa iyo! Wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa lovelife,, basta patuloy kayong nagkakasundo at naguunwaaan ng isang Sagittarius, tuloy ang paglago ng kabuhayan. Markahan ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Violet at orange ang buenas. Swerte sa initial na V. at C.
Virgo – (August 23 – September 22)-May likas kang magnetismo na wala sa ibang zodiac signs, kaya naman sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-market ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa lovelife,, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa lugar na malapit sa nature. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Yellow at maroon ang buenas. Swerte sa initial na W. at C.
Libra – (September 23-October 23) -Sa taong ito hindi ka gaanon mahihirapan, pero maraming biyaya ang kusang darating sa iyo. Basta’t magpaganda ka lang, makikita mo, gaganda rin ng gaganda ang iyong kapalaran. Markahan ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Red at violet ang buenas. Swerte sa initial na J. at C.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Panahon na upang ipakita ang sariling kagustuhan. Sa pinansyal at lovelife,, ikaw ang dapat masunod, hindi ang ibang tao, at lalong hindi ang iyong kasuyo. Pangibabawan mo silang lahat at makikita mo, uunlad at yayaman ka. Markahan ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Beige at black ang buenas. Swerte sa initial na H. at T.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Sa taong ito ng 2020 kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay. Ang tapat na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Pink at purple ang buenas. Swerte sa initial na S. at L.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Sa taong ito 2020 habang nagpapakabuti at nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa lovelife, wag lokohin ang kasuyong Virgo malaking halaga ng salapi ang maitutulong nya sa iyo. Markahan ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Yellow at green ang buenas. Swerte sa initial na J. at M.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Sa lovelife, at aspetong pang pinansyal, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad at paano ka magiging maliga? Maging praktikal upang hindi ka na lumuha pa. Markahan ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Orange at yellow ang buenas. Swerte sa initial na K. at L.
Pisces – (February 19 – March 20) -Ituloy ang kasalukuyang hanap-buhay dahil ito na ang pagkakataon upang kumita ka ng malaking halaga. Kapag kumita ng malaking halaga, mag-savings ang unang dapat na gawin upang hindi masayang ang iyong pinaghirapan. Sa lovelife, dalasan pang lalo ang romansa dahil sa kasalukuyan medyo nababato at nakukulangan na sa iyo ang iyong kasuyo. Markahan ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Purple at lilac ang buenas. Swerte sa initial na P.at T.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending