Ryle Santiago nakipagbati na sa tunay na ama: 10 years kaming magkaaway

NAMANA na talaga ni Hashtag Ryle ang pagiging negosyante ng kanyang mommy na si Sherilyn Reyes-Tan. Part owner din kasi siya ng bagong bukas na Beaute Talk by Beautederm na nasa ground floor ng Robinson’s Place Sumulong sa Antipolo.

At the same time, kabilang din siya sa mga endorser ng nabanggit na beauty products, “Si Mama ang nagbebenta kasi, meron din akong share, yung negosyo package. ‘Yun ang contribution ko. Pero unti-unti inaaral ko na rin for the future,” kwento ni Ryle nu’ng makausap namin after ng grand opening ng Beaute Talk.

“Kumikita naman siya everyday. So, thankful kami doon. And sana, after nitong grand opening mas marami pang tumangkilik sa store namin,” ani Ryle.

Bukod sa business nila, busy din si Ryle sa pagpo-promote ng bago niyang single, ang “Iniismol” na siya rin ang sumulat, “Matagal ko nang naisulat ito pero ngayon lang nailabas. Pero sana tuluy-tuloy na ma-release kasi marami na rin akong naisulat na kanta.”

Natuwa naman kami sa balita ni Ryle na nagkausap na sila ng kanyang ama, ang ABS-CBN executive na si Junjun Santiago, kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago.

“Okey na kami. Nag-reconcile na kami bandang September last year. Aftet nu’ng presscon ng Megasoft. Kasi, may nasabing mali ang pagkaintindi niya. So, na-offend siya. Tapos ayun, sabi niya, usap na lang tayo,” sabi ng binata.

Meron lang daw nagsabi kay Ryle na na-offend ang father niya sa lumabas na balia kaya niya nalaman. After learning that, pumayag na si Ryle na kausapin ang ama na matagal na niyang hindi nakikita at nakaka-bonding.

“Ako ang tumawag. Sabi ko, ‘Sige, usap tayo.’ Ako na ang nagsabi, ‘O, sige magkita tayo.’ Kasi, hindi naman na ako bumabata. Hindi na rin siya bumabata. So, nag-usap kami. Okey na kami,” dagdag pa ni Ryle.

Ikinuwento rin niya ang dahilan kaya na-offend ang father niya sa mga lumabas na isyu. “May nasabi kasi na ‘magpaka-tatay ka,’ parang ganoon. Well, sa akin naman, wala namang maling sinabi. Totoo rin naman. Agree rin naman ako sa sinabi. But well, for me, past is past. Okey na. Napag-usapan na namin.”

Pagkatapos nilang mag-usap, madalas na ba silang magkita ng father niya? “Hindi naman sa madalas magkita. Nagkikita kami. Nag-uusap. Binibisita ko siya sa office kapag wala akong ginagawa. At least, may ganoon na. Kaya natutuwa siya, at least open na uli yung communication.”

Then, we asked him kung may naganap ba na iyakan sa muli nilang pag-aayos ng father niya?

“Wala namang iyakan. Well, may konting pikunan. Kasi naman, 10 years kaming magkaaway. So, ako, medyo galit talaga ako sa kanya. Pero I decided na mas kailangang manaig ang maturity kesa sa sama ng loob. Intindihin na lang natin ang isa’t isa. Kasi, para saan pa ba ang magalit?
“E, kami lang naman ang mabibigatan, ‘di ba? Walang magandang maidudulot pareho sa amin ‘yun. So, naisip ko na, ‘Okey na. Okey na ‘yun.’ Para saan pa ba ang pride?” aniya pa.

Dahil doon, na-settle na rin daw niya finally kung ano na talaga ang apelyidong gagamitin niya for life.

“Oo. Okey naman. Kasi, ipinanganak naman ako na Santiago. Hindi mo na pwede palitan yun. Pero ang mahalaga, Tan pa rin ako by heart. Pinalaki ako ni Daddy Chris (Tan, husband ng kanyang Mommy Shey). Alam naman niya ‘yun na love na love ko siya. Pina-tattoo ko pa pangalan niya sa wrist ko. At least, buhat-buhat ko pa rin (ang apelyido ni Chris),” paliwanag ng Hashtag member.
Sa isang interview namin kay Ryle nasabi niya na hindi niya naramdaman na wala siyang tatay dahil na rin sa pagdating sa buhay nila ni Chris, “Kasi ’yong iba, ’yong dala nila is lumaki silang walang tatay, ako hindi, e, lumaki akong may tatay. Wala pa akong consciousness noong three years old, hindi ko maalala ’yong…hindi ako nawalan ng tatay.

“And sobra akong thankful na maaga siyang pumasok sa buhay ko. Hindi ko nadaanan ’yong teenage angst na ’yong tipong may nanliligaw sa nanay ko, kailangan dumaan sa akin. Mabuti pumasok si daddy sa buhay ko wala pa akong alam, kasi kung may alam na ako baka nag-away pa kami. Ha-hahaha! Pero napatunayan ni daddy na sobrang mahal niya ako at sina mama,” sabi pa ni Ryle.

Read more...