‘Maitim’ na kilikili ni Ivana Alawi pinagtsismisan sa socmed

IVANA ALAWI

MARAMI raw ang na-turn off sa tila maitim na kili-kili ni Ivana Alawi.

Sa recent vlog niya kasi ay may nakapansin na hindi pantay ang kulay ng sexy actress dahil nakita nilang may kaitiman ang armpit ng aktres. In the vlog, Ivana was seen playing the lie detector game with her family. Sa pagkuha niya ng hotdog ay doon nakita ang maitim niyang kili-kili.
Todo depensa naman ang fans ng aktres.

“Maputi ang kili-kili ko pero minsan may pic ako na maitim kili-kili sa anggulo kc yon at reflection kaya wag mapanghusga at anu ngayon kung maitim kili-kili niya? Maganda’t sexy naman siya.”

“Alam nyo guys kung nanunuod kayo ng vlog nyan naku bka matawa kau kc di naman maitim ang kilikili nya eh pina frank nya lang ang kapatid nya at ang mother nya.”

Read more...