“MAGANDANG hapon po sir!
Ako po si Mr. V, taga Zamboanga City po. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho sa isang bakery. Halos 10 taon na po ako rito.
Una po akong na-assign ng boss ko sa Jolo at the age of 14. After five years, lumipat po kami dito sa Zamboanga dahil sa binaril ng armadong kalalakihan ang mga kasamahan ko.
Noong March 2019 lang po ako nila hinanapan ng birth certificate para ma-aplayan ng SSS at PhilHealth.
Tama po ba na kailangan muna akong umabot ng eight years and 3 months sa kanila bago hanapan ng birth certificate para sa aking SSS at PhilHealth. Higit 40 po kaming empleyado rito at iilan lang sa amin ang may SSS at PhilHealth. Ang OT (overtime) ay without pay.
Stay in po kami.
Sana matulungan n’yo po kami. Para po sa siguridad, wag na po ninyong banggitin ang pangalan ko.
Salamat po and God bless.”
***
Iyan po ay isang text na natanggap natin kamakailan at nagku-complain tungkol sa kanyang employer.
Maraming salamat sa text mo Mr. V ng Zamboanga City.
Isang malaking mali na umabot pa ng eight years and 3 months bago ka ipasok sa SSS at Philhealth ng employer mo. After six months pa lang dapat sa trabaho, binabayaran na ng employer mo ang iyong PhilHealth, SSS at Pag-ibig kada buwan.
Ang maari mong gawin, kaagad na pumunta sa SSS, Philhealth at Pag-ibig na malapit diyan sa inyo at i-verify kung on-time na binabayaran ang mga ito. Kausapin mo rin ang SSS kung pwedeng bayaran ng employer mo sa SSS ang nakalipas na 8 taon na hulog kahit na installment.
Maari mo rin ireklamo sa SSS, Philhealth at Pag-ibig ang employer mo hinggil dito, kaya lang baka pag-initan ka ng employer mo at tanggalin ka sa trabaho.
Pero maaring pakiusapan ng SSS ang employer mo na installment na lang ang bayaran hanggang sa makumpleto nya ang walong taon.
Ang SSS, Philhealth at Pag-ibig ay mga batas upang tulungan na umasenso ang mga manggagawa.
Kung hindi hinuhulugan ng employer ang mga ito, dapat silang managot sa batas. Kapag may ireklamo na non-remittance laban sa kanila, mas malaki pa ang babayaran ng employer. Ganon din sa Philhealth at Pag-ibig.
***
Isa rin text ang natanggap natin mula sa Borongan, Eastern Samar regarding sa non-payment ng kanilang 13th month pay ng kanilang employer.
Sir, maraming salamat sa pagtitiwala mo sa ating kolum.
Makaaasa kayo na ibibigay ko sa office ng Department of Labor and Employment ang message mo.
Pakkiiusapan natin ang DOLE na isikreto ang pangalan mo at magsagawa ng sorpresang inspection sa inyong opisina.
Pagdating ng mga DOLE labor inspectors sa opisina ninyo diyan sa Borongan, deadma lang kayo.
Sa inspection kasi, ipapatawag ang may-ari o human resource officer ng opisina at isang representative mula sa mga employees para simulan ang inspection process. Madidiskubre sa pagtatanong sa employee at pag-inspection ng mga papeles na hindi nagbayad ng 13th month pay ang boss nyo.
Employer na hindi nagbabayad ng SSS, Pag-ibig, PhilHealth lagot!
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...