Alden napiling host ng Centerstage; fans humiling na ma-extend ang ‘The Gift’

 

ALDEN RICHARDS

SI Alden Richards ang napiling mag-host sa bagong Kapuso singing talent competition para sa mga kids, ang Centerstage.

“Excited ako kasi mahilig talaga ako sa mga bata. And the last hosting show that I did for GMA was ‘Bet Ng Bayan’ pa. Batang-bata pa ako nu’n. Ha-hahaha! That was five or six years ago,” sabi ni Alden sa isang panayam.

“Aside from ‘Eat Bulaga!,’ parang ito ‘yung isa sa mga magiging major hosting projects ko for 2020. So happy. Masaya, masaya,” sabi pa ng The Gift lead star.

Payo niya sa mga sasali sa Centerstage, “Siyempre, ginawa natin itong show para sa kanila at ang talagang main objective natin dito is for them to gain experience and enjoy at the same time.

“Mas maganda talaga na nae-expose sila, especially talented kids, sa mga ganitong klaseng platforms para ma-showcase ‘yung talent, para ma-amplify ‘yung talent nila, at na ma-hone nila at an early age,” aniya pa.

Magsisilbing judges naman sa show sina Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse and West End singer Aicelle Santos and renowned musical director Mel Villena.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng The Gift, maraming fans ng Asia’s Multimedia Star ang nagre-request sa GMA na sana’y ma-extend pa ang serye dahil parang ngayon lang daw umiinit ang kuwento ni Sep. Feeling nila marami pang pwedeng anggulo ang pagkakaroon ng “gift” ni Sep.

Read more...