Dennis Garcia ng Hotdog pumanaw sa edad 69

PUMANAW na ang singer-songwriter na si Dennis Garcia, ang founding member ng legendary Pinoy band na Hotdog. Siya ay 69 years old.

Ibinahagi ng anak ni Dennis na si Isa sa kanyang Facebook account ang malungkot na balita kahapon. Aniya, sumakabilang buhay ang ama nitong nagdaang Sabado.

Si Dennis o Mr. D sa kanyang mga kaibigan ay kapatid ni Rene Garcia na miyembro rin ng Hotdog na pumanaw din noong 2018. Sila ang nagpasimula ng tinaguriang Manila Sound sub-genre na nagbukas sa golden age ng Original Pilipino Music noong dekada 70.

Ilan sa pinasikat nilang kanta ay ang “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko,” “Annie Batungbakal,” “Bongga Ka Day,” “Beh Buti Nga” at “Manila” na ginamit sa opening ng katatapos lang na South East Asian Games sa bansa.

Read more...